Sabado, Setyembre 20, 2014

Love life na naman?!

Nung isang araw, nakareceive ako ng text from my friend na magpopost siya sa isa sa mga groups namin sa Facebook about love life to start a conversation among the members. My initial reaction was, "na naman?!" I am not bitter or anything towards love life pero pwede bang iba naman ang pag-usapan natin? 

Naglipana na sa social media, tv, radio, movies at books ang mga bagay na tungkol sa pakikipagrelasyon at active na active ang mga kabataan pag yan ang topic. Maya't maya ang repost ng mga kabataan ng mga quotes na parinig sa mga "umaagaw" sa mga jowa nila, parinig sa mga jowa nila na gusto nilang ganun sila tratuhin, quotes kung gaano nila kamahal ang partner nila, mga "turn on" at "turn off" at ang hindi nawawalang reklamo at drama ng mga singles. 

I admit na minsan naiinis na ako sa mga ganyang post kaya minsan ina-unfollow ko yung madalas na ganyan ang posts. I am not being mean, pero I'd rather see informative posts on my feed (and I'm not the only one). Okay lang naman ang occasional na mga posts na ganyan pero kung maya't maya at araw-araw, 'matic na yan. Haha.

Anyway, naisip ko, hindi ba pwedeng tungkol sa career, outreach, studies at ibang pang area ng buhay ang i-input natin sa utak ng mga kabataan? Bakit kailangang love life agad? Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang pinangkantsaw ang love life sa youth service, kung ilang posts na ng "waiting" ang nasa timelines at groups sa Facebook at mga countless na paalala ng mga nakakatanda na "true love waits". 

I understand na malaking parte sa buhay ng mga kabataan (at lahat ng tao) ang pagkakaron or kagustuhan nilang magkaron ng partner. After all, relationships are really needed to survive, pero romantic relationships lang ba? Pwede naman nating pag usapan kung pano maging magandang impluwensya sa mga kabarkada, pano matutulungan ang taong may struggle, how to be a better friend at pano maging salt  & light sa school or work.  I think mas vital pag usapan yung ganyang bagay.

Ang youth years natin ay panahon ng pag establish ng ating pagkatao para sa future so I think na mas magandang pag usapan natin ay kung pano natin mas mapapalago ang relationship natin kay Christ, paghahanda sa college life, personal and emotional growth, pag-seek kung ano'ng calling mo sa buhay, etc. I think that would be much better to discuss.

~J.B.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento